2/28/2017 4 Comments Tungkol sa manunulat at sa kanyang mga naging karanasan sa paggawa ng Filipino WebsiteHello! Ako si Apple Gee C. Libo-on, nag-aaral sa Silliman University at kasalukuyang kumukuha sa kursong Bachelor in Secondary Education Major in Filipino . Ginawa ko ang blog na ito upang makabahagi ng aking nalalaman na maaaring makatulong sa inyo.
Ang aking naging inspirasyon sa pag-gawa ng blog na ito ay una ang aking mga kaibigan, pamilya at ang aking guro, bilang magiging guro sa kinabukasan nangangailangan na maging bukas ang ating isipan sa kahit na anong bagyo o pagsubok na dumating sa ating buhay at upang ito'y malampasan kailangan rin nating magkaroon ng lakas, tapang at inspirasyon.
4 Comments
|
Sabi nga nila ang karanasan ang pinaka epektibong guro. At mayroon talagang mga karanasan na tumatatak sa ating puso't isipan. Kagaya lamang ng pagkagulat dahil mali ang nailagay na lawaran at naisulat na caption, hindi ba nakakahiya iyon!?
Pero tao lang naman tayo, at sa pamamagitan ng pagkakamaling iyon nababago at natutu tayo. Naranasan ko ring hindi matulog! seryuso ako, hindi talaga ako natulog sapagkat gustong gusto ko nakasi talagang matapos ang website na ito para sa inyo. Oo para sa iyo aking mga magigiting at magagandang mambabasa. At hindi lang yan, naranasan ko rin ang madugong pag ma-manage ng aking oras lalong lalo na sa paggawa ng isang website na gaya nito kung saan kailangang kailangan ang malaking oras. Natutunan ko ring maglagay ng mga larawan sa tamang pwesto, tamang dami at tama at angkop na kulay na kakalagyan nito. Alam ko una palang na hindi magiging madali ang paggawa ng website na ito, pero dahil sa sikap, tiyaga at pagpupursigi ay natapos ko at nagawa ko rin. Alam ko ring kayo aking mambabasa magagawa niyo rin ito, at alam ko rin na matututu kayo at kapupulutan ninyo ng aral ang website na ito. Nawa'y pagpalain kayo ng panginoong maykapal sa pang-araw araw ninyong mga gawain. GOD BLESS!!! |