Napakaraming pang gramatikang salita sa wikang Filipino, ngunit upang hindi tayo mahirapan ay magsisimula muna tayo sa medyo madaling matutunan na pang gramatikang anyo. At ito ay ang PANG-ANGKOP.
PANG-ANGKOP
Ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika.
Ang pang-angkop ay mayroon ding tatlong uri ng pang-angkop at ito ay ang mga katagang "na", "ng" at "g".
Pang-angkop na "NA"- nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik N.
Halimbawa:
Tumalon si Anna sa malalim na bangin dahil sa kilig.
Mataas na tao ang aking katabi.
Feel na feel ni Elsa ang kanyang magandang buhok.
Pang- angkop na "NG"- isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa patinig o vowel (a.e.i.o.u).
Halimbawa:
Si Anton ay mayroong malaya-ng isipan.
Ang aking kaibigan ay nakatira sa isang malaki-ng bahay.
Gusto ni Lucia na buo-ng buo ang pagmamahal ni Gaston sa kanya.
Pang- angkop na "G"- ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa katinig na N.
Halimbawa:
Masaya si Kesha dahil bumili ang kanyang ina ng kanyang paboritong candy sa pamilihan-g bayan.
Sa pamayanan-g nagkakaisa lahat ay masaya.
Gustong- gusto ni Dana na pumunta sa aliwan-g pambata.
Upang mas lumawak pa ang ating kaalaman hinggil sa pang-angkop bisitahin lamang ang link na nasa ibaba ito ay isang video hinggil sa paksa.